The Band 88 (Musikong Luma)was the first concert marching band who won first prize in the yearly Town Fiesta Band Competition in the year 2004 in the city of Muntinglupa.
Also the same year they've also won first prize in City of Antipolo, for two consecutive years they've won as the undefeated champion among the best in this contest.
That is why today, this band is always invited to play in every serenata,ciertamen,konsyerto, la torre or band contest in any town fiesta because of their musicality.
I congratulate the effort of every members of Band 88 of their professionalism and musicanship. And give credit and do recognized Arnel Jacinto's,their conductor for his artistic achievement in promoting Band 88 real talent in music.
It is proven and has shown again their good talent through constant practice and discipline.
During The Balik-Banda Competition (circa 70's)sponsored by San Miguel Corporation this band was a victim of unfair decision of the judges.
Although we have all the evidence like the tape-recorded music of the contest our petitioned was turned down and it was really unfair especially to our Maestro, the late Ricardo Quiambao who really worked hard then and of course to all the members and lastly the loyal followers of Banda 88.
ANG BANDA 88, Isang Kuwento...Bahagi ng Kasaysayan
Ayon sa mga kwento ng mga miron, kamag-anak at laging tapat at nagmamahal sa samahan ang Banda 88 ay itinayo noon pang circa 1888. Kung magkagayon man, dito marahil kinuha ang katagang "Musikong Luma". Maaring totoo at maaring may kaunting pagkakamali sa tunay na kwento at kung kailan talaga itinayo ang kauna-unahan at unang Banda ng Bayan ng Sta. Maria, Bulacan.
Hanggang sa ngayon pinagsisikapan ng bawa't kasapi na lumikom ng mga kwento at mga bagay na makakatulong sa tunay na kasaysayan ng pinagmulan ng Banda 88.
Sa aking karanasan bilang lumaki, naging kasapi at naging Maestro din ng Banda 88 noong dekada 80, narito ang iilang kwento mula sa aking mga magulang,kamag-anak, mga lolo at lola namin, kaibigan at mga nakakilala, naniniwala at nagmamahal sa husay at galing sa pagtugtog ng Musikong Luma, ang Banda 88.
Mula sa palagiang kwento sa aming magkapatid na Boy(Boy Piccolo) at ako (Maestro Memen) ng aking Lola Edes ( the late Mercedes de la Vega) noong sya ay nabubuhay pa, ang mga naunang mga nagtaguyod daw ay sina Ingkong Tolo bilang Maestro, si Lolo Pedro bilang matikas na Band Major, si Ka Kadyong Itim (Arcadio Jose) na nagakaroon ng pagkakataong makapag-aral ng musika sa Sto. Domingo sa ilalim ng pagtuturo ng mga Paring Dominicano.
Si Ka Kadyong Itim, kilalang mahusay na bahista at organista sa simbahan at gumawa ng mga ilang "pollo music" na hanggang ngayon ay tinugtog ng Banda 88, kagaya ng "Prinsesa Indiana", isang overtura.
Noong dekada 70, kapanahunan ng Martial Law,ang Banda 88 (Musikong Luma)sa pagtuturo at pagkumpas ni Ka Carding Bulilit (Maestro Ricardo Quiambao) ay tunay na aktibo sa tugtugan sa pagdiriwang sa ibat-ibang lugar ng bansa. Itong dekada rin na ito na sa matiyagang pagtuturo ng aking Tiyo Pepe (Jose Alfonso) sumibol ang mga bagong henerasyon na mahuhusay na manunugtog na kasapi nito, kagaya ni Boy Capili ng Hongkong Disneyland Band, ang kanyang kapatid Edgar Capili at si Vic "Pungay" Bongat na nakatira na sa Vancouver, Canada B.C.
Si Tito Pepe, ginagawa 'nya ang pagtuturo tuwing bakasyon (summer vacation music program)at ang kaugaliang ito ay patuloy pa ring sinusundan ng bago pang mga tagapagturo.
Sa panahong din ito nakilala ang Banda 88 sa pag-tugtog ng "Lahing Kayumanggi", isang Symphonic Poem ni Lucio San Pedro.Di man pinalad ang Banda 88 na magwagi bunga ng dayaan sa National "Balik-Banda Contest" di maitatanggi ang kanilang husay sa pagtugtog tuwing ipaparinig nila ang tugtuging ito.
Sa Katunayan ang Banda 88 sa ngayon ang kampeon sa taunang Paligsahan ng Banda sa Muntinglupa,Rizal. Sa ngayon ang Banda 88 ay nasa pagkumpas ni Maestro Arnel Jacinto.
Sa pamamagitan ng pagmumusiko ng mga kabataan ng Sta.Maria, ito ay nagiging tulong nila pinansyal sa kanilang pagpapatuloy ng pag-aaral nila sa kolehiyo bilang scholar. Marami na rin sa amin ang nakapagtapos ng pag-aaral gamit ang pagtugtog sa banda.
Ang Banda 88 ay isang tradisyon na humuhubog ng isang kulturang ng mga mamayang taga Santa Maria. At sana sa mga sumunod pang mga panahon narito pa rin ang pagmamahal sa ating Unang Banda, ang Banda 88...ang Musikong Luma ng Santa.Maria, Bulacan.
Monday, September 18, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment